Sunday, April 29, 2012

Kadang kadang

Ito yung laro na hindi ko inaasahang matutuwa ako. Di ko akalain na enjoy pala ang maglakad sa 2 bao habang nakikipagkarera sa mga kaklase mo. Ako kasi, nagfafast forward ang utak ko ,kung what if mabasag ko ang bao, pagbabayarin ba ako, ititigal na ba ang game, mga ganung pag iisip. hahaha. Nakakatawang isipin na kinaya ako ng bao. Sa bigat kong ito, tuwang tuwa ako na matibay pala ang mga bao. Akala ko dati eh madali itong mabiyak. Hindi pala. Dahil diyan, ang award sa larong ito ay "Tibay ng Bao ah" award.

Sa variation, ok din yung 3 legged race. Challenge kung challenge. Ang hirap lang nun ay magkaiba ata kami ng conceptng labas at loob ng aking partner at iba ang takbo ng lakad namin. nung nakaikot lang kami saka lang nagtuloy tuloy yung lakad namin. Muntik pa kaming manalo nun. hahaha..


Sa variation siguro, mas masaya kung hindi lang 3 legged race yung laro. Mas masaya pag 5 kayong naglalakad ng nakatayo sa bao at paunahan. Ang hirap din ng konsepto ng loob at labas ng kung anong ihahakbang na paa.


MVP: Ako siguro dahil di ko nasira ang Bao. kaya ang galing galing ko. hahahaha

Bihagan

Pisikal kung pisikal ang laro na ito. Nagulat ako sa kung paano ito ginawa ng mga kaklase ko. Hatak ka ng hatak hanggang sa magpapaubaya ka na lang dahil anim-anim ang naghatak sayo.

Literal na nahirapan ako sa game na ito dahil kailangan ding mag-isip sa laro na ito. Bawal ang "bahala na" dahil kung hindi, sa kabailang kampo ka na mapupunta. Dahil dito, ang award na " Mag-isip muna bago gumalaw" ang ibibigay ko sa larong ito. Ang hirap din mag-isip ng strategy lalo na kung hindi lang isa ang kalaban mo. Lakas manghatak ng mga babae ah. Nagulat ako dun. hahaha

Masaya rin yung variation kung pwedeng iconvert na yung bihag sa kalaban. Nabrainwash kumbaga. Sa ganun, dadami yung kabilang grupo.

MVP: Si Yvette(or Irvette ata) hahaha.. Ang bilis kasi niyang kumilos at uwisan. Malakas din siyang humatak ng kalaban.

Agawang base

Ito talaga pinakapaborito kong laro ever since elementary. Pwede kasi talaga ang maramihan. Kung baga, walang naiiwan. Kanya kanyang hanap ng base, mas tago, mas maganda, mas madaya. Sa dami ng mga poste sa school namin nun, andami talagang pwedeng pagpilian. Fast forward sa kasalukyan. Wow, andami na palang variation sa laro na ito. May konsepto na pala ng charge, na dapat mas matagal kang nakahawak sa base para mas may karapatan kang manaya. Dati kasi, (ang tanda ko) eh basta makataya ka, ayos na yun. bihag mo na yun at pwede ng dalhin sa base. Hindi na pala. patunay na matanda na talaga ako.

Higit sa paglalaro nito uli, ang nahirapan ako ay sa pagiintindi ng mga bagong mechanics ng game. hahaha. Natawa na lang ako habang nialaro na yung game kasi parang naging kumplikado na ata yung laro.Pero hindi ito naging hadlang para maenjoy ulit yung laro. ang sarap kayang magtatakbo papuntang base ng kalaban tapos magpapanic kang babalik sa sarili mong base dahil kailangan mong magcharge. kakaaliw dahil habang nilalaro yung game saka ko lang nagegets. Dahil dyan, ang award para sa game na ito ay " "Ano ng nangyayari? Award".

Para naman sa variation, dapat may minimum number ng bihag bago mo muna matataya ang base ng kalaban. Sa ganong paraan, ang magiging mentality ng mga maglalaro ay manaya muna bago yung base. Pwede rin namang ang base lang ang pwedeng tayain imbes na pwede ang nakalink na tao. Sa ganon din ay pwedeng mas mahirap makapuntos.

Lawin at sisiw

Isa na namang laro ng tayaan. Matagal na namin itong nilalaro tuwing may teambuilding sa org namin. Kung anu-ano na ang tinawag namin dito, Touch the dragon's tail, Hablutin mo ang buntot ko at kung anu-ano pang mga pwedeng itawag sa laro na ito. Hindi ko alam na may formal name pala talaga ito at hayop pa rin pala ang pinanggalingan ng laro na ito.

Proteksyon. Yan ang kailangan ng mga sisiw. Layunin ng Inahin na iiwaS ang kanyang mga sisiw mula sa mga kamay ng Lawin. Mahirap gumalaw sa totoo lang, lalo na kung nasa 12 o 15 kayong naggagalawan,kumukurba at kung mamalasin ay sabay sabay kayong tutumba. Sa larong ito, binbigay ko ang "Rejoice Shampoo Award" dahil sa talaga namang kailangan mong SUMUNOD sa galaw at kundi ay matataya ka ng walang awang lawin. Ang hirap din pala humawak sa bewang ng nasa harap mo lalo na kung babae dahil iniiwasan natin ang mga "awkward moments" habang naglalaro. Challenged din naman talaga yun.

Sa variation naman, ang naisip ko ay mas mahirap pag 3 grupo ang magkakalaban. Isipin na lang na may 3 linya na nagpapaikot-ikot ng katawan para maiiwas lang kanilang inakay mula sa malulupit na lawin. Mas nakakapagod pero mas exciting. MVP:

Berong berong

Ikatlong araw ng paglalaro ng Philippine games. Masakit pala sa katawan pag inaaraw araw mo ang paglalaro. Hindi na ako sanay mapagod physically. hahaha. Link Tag daw ang susunod na lalaruin. Berong berong sa lokal na salita. Pagkatapos ng laro, sinigurado kong nasa top 5 ko ito. Ibang klase yung laro na yun. Bukod sa may habulan at hatakan ng kamay eh ang hirap ding pigilan ang mga kaklase kong ang gagaling lumusot.Nataya ako sa kaagahan ng laro. Napagod na akong magtatakbo. Ayos lang, mananaya na lang ako para makapagpahinga ngunit hindi rin pala. Ang laro na ito ang bibigyan ko ng "Makatanggal Balikat award". Literal na matatanggal ang balikat mo sa kakasunod sa mga kasama mong nananaya sa dulo ng linya. Masaya siya kung masaya, kahit na paikot-ikot lang kayo dahil ang sa hindi mataya ang iba pa.Yung iba pa kung saan-saan lumulusot.Iwas dito, iwas doon. Kaya pati tuloy yung linya eh nagkabuhol-buhol. Sa variation, ang naisip ko ay may pattern yung pwedeng tayain. Halimbawa, kung lalaki ka, babae lang ang pwede mong tayain at vice versa. Sa ganun, mas malilimit yung pwede mong tayain. MVP:

PE 2 summer - Philippine Games