Ito yung laro na hindi ko inaasahang matutuwa ako. Di ko akalain na enjoy pala ang maglakad sa 2 bao habang nakikipagkarera sa mga kaklase mo. Ako kasi, nagfafast forward ang utak ko ,kung what if mabasag ko ang bao, pagbabayarin ba ako, ititigal na ba ang game, mga ganung pag iisip. hahaha. Nakakatawang isipin na kinaya ako ng bao. Sa bigat kong ito, tuwang tuwa ako na matibay pala ang mga bao. Akala ko dati eh madali itong mabiyak. Hindi pala. Dahil diyan, ang award sa larong ito ay "Tibay ng Bao ah" award.
Sa variation, ok din yung 3 legged race. Challenge kung challenge. Ang hirap lang nun ay magkaiba ata kami ng conceptng labas at loob ng aking partner at iba ang takbo ng lakad namin. nung nakaikot lang kami saka lang nagtuloy tuloy yung lakad namin. Muntik pa kaming manalo nun. hahaha..
Sa variation siguro, mas masaya kung hindi lang 3 legged race yung laro. Mas masaya pag 5 kayong naglalakad ng nakatayo sa bao at paunahan. Ang hirap din ng konsepto ng loob at labas ng kung anong ihahakbang na paa.
MVP: Ako siguro dahil di ko nasira ang Bao. kaya ang galing galing ko. hahahaha
No comments:
Post a Comment