Sunday, April 29, 2012

Lawin at sisiw

Isa na namang laro ng tayaan. Matagal na namin itong nilalaro tuwing may teambuilding sa org namin. Kung anu-ano na ang tinawag namin dito, Touch the dragon's tail, Hablutin mo ang buntot ko at kung anu-ano pang mga pwedeng itawag sa laro na ito. Hindi ko alam na may formal name pala talaga ito at hayop pa rin pala ang pinanggalingan ng laro na ito.

Proteksyon. Yan ang kailangan ng mga sisiw. Layunin ng Inahin na iiwaS ang kanyang mga sisiw mula sa mga kamay ng Lawin. Mahirap gumalaw sa totoo lang, lalo na kung nasa 12 o 15 kayong naggagalawan,kumukurba at kung mamalasin ay sabay sabay kayong tutumba. Sa larong ito, binbigay ko ang "Rejoice Shampoo Award" dahil sa talaga namang kailangan mong SUMUNOD sa galaw at kundi ay matataya ka ng walang awang lawin. Ang hirap din pala humawak sa bewang ng nasa harap mo lalo na kung babae dahil iniiwasan natin ang mga "awkward moments" habang naglalaro. Challenged din naman talaga yun.

Sa variation naman, ang naisip ko ay mas mahirap pag 3 grupo ang magkakalaban. Isipin na lang na may 3 linya na nagpapaikot-ikot ng katawan para maiiwas lang kanilang inakay mula sa malulupit na lawin. Mas nakakapagod pero mas exciting. MVP:

5 comments: