Sunday, April 29, 2012

Agawang base

Ito talaga pinakapaborito kong laro ever since elementary. Pwede kasi talaga ang maramihan. Kung baga, walang naiiwan. Kanya kanyang hanap ng base, mas tago, mas maganda, mas madaya. Sa dami ng mga poste sa school namin nun, andami talagang pwedeng pagpilian. Fast forward sa kasalukyan. Wow, andami na palang variation sa laro na ito. May konsepto na pala ng charge, na dapat mas matagal kang nakahawak sa base para mas may karapatan kang manaya. Dati kasi, (ang tanda ko) eh basta makataya ka, ayos na yun. bihag mo na yun at pwede ng dalhin sa base. Hindi na pala. patunay na matanda na talaga ako.

Higit sa paglalaro nito uli, ang nahirapan ako ay sa pagiintindi ng mga bagong mechanics ng game. hahaha. Natawa na lang ako habang nialaro na yung game kasi parang naging kumplikado na ata yung laro.Pero hindi ito naging hadlang para maenjoy ulit yung laro. ang sarap kayang magtatakbo papuntang base ng kalaban tapos magpapanic kang babalik sa sarili mong base dahil kailangan mong magcharge. kakaaliw dahil habang nilalaro yung game saka ko lang nagegets. Dahil dyan, ang award para sa game na ito ay " "Ano ng nangyayari? Award".

Para naman sa variation, dapat may minimum number ng bihag bago mo muna matataya ang base ng kalaban. Sa ganong paraan, ang magiging mentality ng mga maglalaro ay manaya muna bago yung base. Pwede rin namang ang base lang ang pwedeng tayain imbes na pwede ang nakalink na tao. Sa ganon din ay pwedeng mas mahirap makapuntos.

No comments:

Post a Comment