Wednesday, May 16, 2012

Ipasok mo!

Una ko itong nalaro, sa retreat namin sa simbahan. Hindi ko inasahan na pwede pala itong maging brutal at nakakapagod. Nung ginawa kasi namin ito, ang kailangan mo lang tandaan ay yung number mo. Kapag natawag, pwesto na para gumawa ng bahay at lulusot ang mga kasama mo. Sa PE version, ibang klase yung pagod sa game. Andyan yung gumapang, magsplit at kung anu-ano pa. Tawa ako ng tawa nung unang round kung saan Mali yung pinuntahan namin nina Ber. Akala kasi namin lilipat sa opposite direction pagkatapos lumusot. hindi pala. XD Nagkalituhan din sa rules kung pwede bang maghati ng lulusot sa 2 tao. Pero masaya kasi kami pa rin nanalo sa game.

Challenging yung unang variation kung saan kailangan mong lumusot sa pagitan ng tao. Mahirap ito both sa lulusot at sa lulusutan. Sa kaso namin, naawa ako kay Nicky kasi 5 nga lang yung lulusot sa kanya kaso ang lalaki namin (Si Marc, Markus at ako pala yun.)Ako rin mismo ay nahirapan.hahaha.. Sa 2nd variation kung saan magkatali yung mga paa, ito yung muntik na akong magsplit kasi nahahatak yung 2 kong paa habang nagaayos ako nun ng buhol ng panyo. Dahil diyan, ang award sa game na ito ay "muntik ng mag Mystica"


Sa variation, pwede sigurong ang baguhin ay kung paano lulusot yung mga tao. halimbawa, isang paa lang o patalikod kang lalakad papunta dun sa papasukan mo.


Si Marc ang MVP dito kasi siya yung unahan ng side namin so nasa kanya kung gaano kabilis yung pacing namin.

No comments:

Post a Comment