Wednesday, May 16, 2012

Cadena de amor

Ito siguro yung "Brutal game of the 2nd half". Dito ko napatunayan na nakakatakot minsan ang mga laro pero masaya pa rin naman. Groupmate ko si Fitz nito kaya competitive kami nun. Hatak kung hatak. At seryoso, sumakit ang braso ko after. Ang hirap din humatak ng mga kaklase. Siguro naka apat kami sa unang round pa lang na hindi kami nababawasan. Habol ng habol sa mga kalaban kaso nalilito na rin kami kung sino ang groupmates namin sa hindi. Yung iba, grabe rin makahatak, minsan nakakaladkad na rin.

Si Fitz ang MVP sa laro na ito pero mas bumilib ako kay Ate (payat na nakasalamin) kasi siya yung may pinakamatibay na leeg. Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanya pero may parang mga salonpas ata siya sa leeg the following day. Therefore, matapang siya. Kahit nga yung variation ay nakakapagod pa rin kahit na less brutal sa original.

Sa variation, pwede sigurong sa bilog, may mga tao na hindi mo pwedeng hulihin. Kapag yun ang nahuli, yung nanghuhuli ang talo at ang magbibigay ng tao. Sa ganun, pagiisipan mo muna kung sino ba sa bilog ang pwedeng hulihin at sinong hindi.

No comments:

Post a Comment