Wednesday, May 16, 2012

Back to Back

Isa rin ito sa mga larong di ko inaasahan na mageenjoy ako. Nakakapanic siyang laruin lalo na kung wala kang mahanap na kapareho mo. Sa laro kasing ito, magbibigay ang taya ng description at dapat makahanap ka ng kaklase na meron or pwede ring wala basta pareho kayo. Ang saya lang dahil kahit simple lang yung laro, may concept pa rin ng urgency lalo na kung nauuubusan ka na ng mahahanap. Halo-halong category. Yung isa, parehong nakasalamin, yung isa naman ay naka PE uniform. Nakakataranta kasi kailangan mo ring alamin kung meron ka ba o wala ng sasabihin ng taya. Kahit mismong mga reporters ay nabiktima ng kanilang sariling laro dahil ilang beses din silang naging taya.

Para sa award, and naisip ko na pwede ay "Destiny ba na maging tayo award?" pero baka hindi applicable talaga lalo na kung yung category ay siguradong 2 lalaki ang magpapareha (tulad nung "naka-brief") Ang maganda dito eh malay natin kung may similarity pala kayo ng crush mo. hahaha.. XD

Pwede sigurong variation nito ay opposite naman.Imbes na kapareho mong meron, yung kabaligtaran naman. Challenging kung yung tipong "opposite" ay pagiisipan muna.

Sa MVP, si Nikolai dahil talagang nagpapanic siya kakahanap ng pareho niya.


No comments:

Post a Comment