Nagenjoy ako sa game na ito kasi may mind game, may habulan, may lag time, may confidence factor din. akala ko nung una, isa isa lang yung pagpapalitan. Halimbawa kung 28 lang yung sinabi, yung lang yung magpapalitan. Mas masaya pala pag mas marami yung nagpapalitan. Kahit yung variation, mas challenging kasi mag-iisip ka muna kung kasama ka ba dun category o hindi. Epic yung nagsabi ako ng lahat ng nakablue na shorts ay nagsitinginan sila sa suot nilang pambaba. Nakakapanic din. Masusubukan din sa game yung confidence kasi pag ang category ay "Lahat ng gwapo at maganda" iisipin mo tuloy kung kasama ka ba o hindi. syempre dapat oo. Dahil dyan ang award sa game na ito ay "Pag meron ka na, magconfidence na!" dahil kapag meron ka, dapat proud ka dun!
Sa variation, mas masaya pag magkakakilala na talaga tipong lahat ng may birthday ng May.
Si Wilson ang MVP dito dahil parang lagi siya yung kailangan lumipat lipat. lagi siyang kasama sa category parang ganun. Siya rin yung huling lumipat sa category ng lahat ng lalaki ata yun. :))
No comments:
Post a Comment