Wednesday, May 16, 2012

Catch me if you can

Nagenjoy ako sa game na ito kasi may mind game, may habulan, may lag time, may confidence factor din. akala ko nung una, isa isa lang yung pagpapalitan. Halimbawa kung 28 lang yung sinabi, yung lang yung magpapalitan. Mas masaya pala pag mas marami yung nagpapalitan. Kahit yung variation, mas challenging kasi mag-iisip ka muna kung kasama ka ba dun category o hindi. Epic yung nagsabi ako ng lahat ng nakablue na shorts ay nagsitinginan sila sa suot nilang pambaba. Nakakapanic din. Masusubukan din sa game yung confidence kasi pag ang category ay "Lahat ng gwapo at maganda" iisipin mo tuloy kung kasama ka ba o hindi. syempre dapat oo. Dahil dyan ang award sa game na ito ay "Pag meron ka na, magconfidence na!" dahil kapag meron ka, dapat proud ka dun!


Sa variation, mas masaya pag magkakakilala na talaga tipong lahat ng may birthday ng May.

Si Wilson ang MVP dito dahil parang lagi siya yung kailangan lumipat lipat. lagi siyang kasama sa category parang ganun. Siya rin yung huling lumipat sa category ng lahat ng lalaki ata yun. :))

Impukan

Ito yung game na inakala kong madali, hindi pala. Sa larong ito, naka linya ang mga team at kailangan ninyong magpasahan ng mga barya sa pamamagitan ng pagbalanse nito sa tatlong daliri (hintuturo, hinlalaki at palasingsingan). Pag nga naman pasmado ka. Basa na nga yung kamay ko sa kaba na mahulog ko yung pera at uulit na naman kami sa simula,eh nanginginig pa.

Natuwa ako sa game hindi dahil sa kaming grupo ang nanalo kundi dahil sa pagiging simple ng game pero challenging. Ang saya kasi may technique pala para maipasa mo yung barya, tipong kailangan mong ikut-ikutin ang mga kamay mo para lang mapasa ng tama. Nung variation naman, mas nachallenge yung group namin dahil sa bukod sa paramihan ng mailalagay sa baso, paunahan na rin. Kaya kahit paiwasan na ang mga braso, ayos lang basta maipasa ang mga barya. Tipong apat-apat na yung nakalagay at kahit tabi-tabingi na yung mga barya, basta tuloy lang. Basta talaga nagdadagdag ng variation, pakiramdam ko, mas nagiging mas competitive din ang mga tao. Kumbaga,
Dito ko rin pala naging kagroup si crush. hahaha. kaya ang award ko para sa game na it ito ay "Uy kilig, uy nanginginig!"

Para sa variation, tingin ko challenging kung ipapasa yung coin gamit yung hinliliit pero 5-peso coin yung gagamitin.

Para naman sa MVP ko, si Hitomi. Siya kasi yung nasa unang nagpapasa nung coins kaya nasa kanya nakasalalay yung pacing na group. Ang resulta, panalo kami sa 2 rounds.:D

Back to Back

Isa rin ito sa mga larong di ko inaasahan na mageenjoy ako. Nakakapanic siyang laruin lalo na kung wala kang mahanap na kapareho mo. Sa laro kasing ito, magbibigay ang taya ng description at dapat makahanap ka ng kaklase na meron or pwede ring wala basta pareho kayo. Ang saya lang dahil kahit simple lang yung laro, may concept pa rin ng urgency lalo na kung nauuubusan ka na ng mahahanap. Halo-halong category. Yung isa, parehong nakasalamin, yung isa naman ay naka PE uniform. Nakakataranta kasi kailangan mo ring alamin kung meron ka ba o wala ng sasabihin ng taya. Kahit mismong mga reporters ay nabiktima ng kanilang sariling laro dahil ilang beses din silang naging taya.

Para sa award, and naisip ko na pwede ay "Destiny ba na maging tayo award?" pero baka hindi applicable talaga lalo na kung yung category ay siguradong 2 lalaki ang magpapareha (tulad nung "naka-brief") Ang maganda dito eh malay natin kung may similarity pala kayo ng crush mo. hahaha.. XD

Pwede sigurong variation nito ay opposite naman.Imbes na kapareho mong meron, yung kabaligtaran naman. Challenging kung yung tipong "opposite" ay pagiisipan muna.

Sa MVP, si Nikolai dahil talagang nagpapanic siya kakahanap ng pareho niya.


Cadena de amor

Ito siguro yung "Brutal game of the 2nd half". Dito ko napatunayan na nakakatakot minsan ang mga laro pero masaya pa rin naman. Groupmate ko si Fitz nito kaya competitive kami nun. Hatak kung hatak. At seryoso, sumakit ang braso ko after. Ang hirap din humatak ng mga kaklase. Siguro naka apat kami sa unang round pa lang na hindi kami nababawasan. Habol ng habol sa mga kalaban kaso nalilito na rin kami kung sino ang groupmates namin sa hindi. Yung iba, grabe rin makahatak, minsan nakakaladkad na rin.

Si Fitz ang MVP sa laro na ito pero mas bumilib ako kay Ate (payat na nakasalamin) kasi siya yung may pinakamatibay na leeg. Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanya pero may parang mga salonpas ata siya sa leeg the following day. Therefore, matapang siya. Kahit nga yung variation ay nakakapagod pa rin kahit na less brutal sa original.

Sa variation, pwede sigurong sa bilog, may mga tao na hindi mo pwedeng hulihin. Kapag yun ang nahuli, yung nanghuhuli ang talo at ang magbibigay ng tao. Sa ganun, pagiisipan mo muna kung sino ba sa bilog ang pwedeng hulihin at sinong hindi.

Ipasok mo!

Una ko itong nalaro, sa retreat namin sa simbahan. Hindi ko inasahan na pwede pala itong maging brutal at nakakapagod. Nung ginawa kasi namin ito, ang kailangan mo lang tandaan ay yung number mo. Kapag natawag, pwesto na para gumawa ng bahay at lulusot ang mga kasama mo. Sa PE version, ibang klase yung pagod sa game. Andyan yung gumapang, magsplit at kung anu-ano pa. Tawa ako ng tawa nung unang round kung saan Mali yung pinuntahan namin nina Ber. Akala kasi namin lilipat sa opposite direction pagkatapos lumusot. hindi pala. XD Nagkalituhan din sa rules kung pwede bang maghati ng lulusot sa 2 tao. Pero masaya kasi kami pa rin nanalo sa game.

Challenging yung unang variation kung saan kailangan mong lumusot sa pagitan ng tao. Mahirap ito both sa lulusot at sa lulusutan. Sa kaso namin, naawa ako kay Nicky kasi 5 nga lang yung lulusot sa kanya kaso ang lalaki namin (Si Marc, Markus at ako pala yun.)Ako rin mismo ay nahirapan.hahaha.. Sa 2nd variation kung saan magkatali yung mga paa, ito yung muntik na akong magsplit kasi nahahatak yung 2 kong paa habang nagaayos ako nun ng buhol ng panyo. Dahil diyan, ang award sa game na ito ay "muntik ng mag Mystica"


Sa variation, pwede sigurong ang baguhin ay kung paano lulusot yung mga tao. halimbawa, isang paa lang o patalikod kang lalakad papunta dun sa papasukan mo.


Si Marc ang MVP dito kasi siya yung unahan ng side namin so nasa kanya kung gaano kabilis yung pacing namin.